August 24, 2019
Ang maginoo bilang pinuno pulitikal ang siyang tagapagpatupad ng batas. Kaya nga sinasabi na ang isang katangiang dapat taglayin ng isang maginoo ay ang kaalaman sa mga nakaugalian nang bahagi ng batas o ang tinatawag na customery laws. Siya rin ang may kapangyarihang lumikha ng mga bagong batas katulong ang matatandang kasapi ng konseho ng barangay. Ang uring maginoo ang pinakamataas na uri sa lahat. Ito ay binubuo ng maginoo kasama ng kanyang pamilya at ng mga katalonan ang maginoo ang pinunong pulitikal at pangekonomiya samantalang ang katalonan naman ay ang pinunong pangespiritwal. Ito ang pinagugatan ng salitang datu na mas pinalalim pa nga ng pangkat etnikong sama na tinatawag ding moken. Ang salitang datu, para sa kanila, ay kasingkahulugan din ng salitang anito. Sa medaling salita, ang pinuno ay ang datu sa ibang katutubo ay ginawaran ng katangiang mistikal.