ANG KWENTO NG GINTONG BUWAYA

September 26, 2019

Sa simabahan na Polycarpio ay may mga nakapaligid na sundalo at sa likod ng mga ito ay napapalibutan ng yero na labis na ikinagulat ng mga taga Cabuyao, saad ni Col. Cabullo na ang operasyong kanilang isinasagawa ay mayroon kapahintulutan ng Obispo ng Deyosesis na si Padre Pedro Bantigue. Agad namang pumunta si Mayor Alimagno kasama ang noo’y kura paroko na si Mons. Ipinagtapat ni Col Cabullo na ang pakay raw ng mga sundalo ay sundin ang utos mula sa isang “mataas na pinuno ng pamahalaan”. Di naglaon, ang embahada ay nakipag ugnayan sa tanggapan ng “mataas na pinunong nabanggit.” At nagsabing mayroon silang impormasyong natanggap na di umaano ay may kayamanang ibinaon ang mga sundalong Hapon sa lumang simbahan ng bayan ng Cabuyao

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started