Ang Southville

October 10, 2019

-Taong 2003 nang simulan ng mga taga Cabuyao ang mga kilos protesta laban sa National Housing Authority dahil sa agarang pagpapalipat ng mga informal settlers mula maynila sa Cabuyao.Ito ay itinalaga ng gobyerno sa baranngay Marinig na nooy tinatawag na Sunrise Subdivision ngunit di naglaon ay naging Southville.Ang paglipat ng mga informal settlers na nanggaling sa Maynila ay hindi naging madali sapagkat ito ay tinutulan ng mga cabuyeño gayundin ng Pamahalaang Bayan.Sa isang bukas na liha. na ipinahatid kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo Inilahad nila ang kanilang matinding pagkontra o di pagsangayaon sa aksiyon ng gobyerno. Inisa isa nila ang kanilang rason.Una,sa isang batas nakasaad na nagbabawal sa sinumang hindi taga cabuyao na lumipat o tumira sa mga pabahay na ginagawa ng nasyonal sa cabuyao.Ikalawa,Ang usaping ito ay di natalakay ng maayos o di nabigyan ng oras para magkaroon ng maayos na plano.at Ikatlo,Hindi kakayanin ng Cabuyao na tumanggap ng malaking bilang ng tao sapagkat ito ay magreresulta ng mabilis na paglobo ng populasyon ng bayan ng Cabuyao.At higit pa rito ang mga taong itodahil sa pagdami ng populasyon ay magkakaroon din ng mahigpit na kompetensiya sa paghahanapa ng trabaho.Kayat sila ay nakiusap ng mabuti upang muling pagaaraln ng mabuti ang proyektong pabahay na ito.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started