October 10, 2019
Cabuyao na aming sinisinta
Sa amin ay dakila ka
Dahil sayoy laging may pagasa
Ang buhay ng bawat isa
Cabuyao na sa amin ay gabay
Pag asay lagi mong taglay
Papuri ay sayoy iniaalay
Pagkat ikaw ang siyang buhay
Cabuyao na aming sinisigaw
Patuloy at laging isisigaw
Ikaw ang buhay isip at dangal
Ikaw sa amin ang ilaw
Cabuyao na aming minamahaln
Ikay huwaran ng bawal isa
Sa amin ay walang katulad ka
Bukod tanging naiiba
O bayan ng Cabuyao!
Sa amin ay ikaw
O bayan ng Cabuyao!
Liwanag kat tanglaw
Sa kauna unahanh pagkakataon ay ginaganap din sa Cabuyao ang Batingaw Festival na proyektong pangkultura at panturismo ng Pamahalaang Bayan. Ang naturang Festival ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Cabuyao Tourism Council na pinamumunuan ni Gng. Nila G. Aguillio. Ang batingaw festival ay kapapalooban ng apat na araw ng pagdiriwang simula ika 13 ng Enero at magtatapos sa ika 16 ng Enero 2003, ang araw ng cabuyao. Ilan sa mga gawaing itinampok ay ang patimpalak para sa Bb. Batingaw, ETOK kantahan na paligsahan ng mga Choral Groups, ETOK Karakol o streetdance, ang paligsahan ng Batingaw ng 18 na barangay ng bayan, at ang gabi ng parangal na ginaganap sa Liwasang Bayan ng Cabuyao.
Ika 16 ng Hunyo taong 2003 nang pormal na magsimula ang klase sa Pamantasan ng Cabuyao. Ang mga kursong binuksan ay ang Accountancy Business Administration, BS Secondary at Elementary Education, BS Psychology, BS Mass Communication, BS Industrial Engineering, BS Computer Engineering, BS Information Technology, Computer Secretretarial, Computer Technician, Refrigeration and Air Conditioning, Midewifery at Caregiving.
Taong 2003 nang simulan ng mga taga Cabuyao ang mga kilos protesta laban sa National Housing Authority at pamahalaang nasyonal dahil umano sa di makatarungan at madaliang pagpapalipat ng mga informal settler mula sa Metro Manila patungo sa relocation site na ipinapatayo ng pambansang pamahalaan sa Barangay Marinig. Ang nasabing site ay ang Sunrise Subdivision na di kalaunan ay tinawag na Southville.
Sa katunayan, isang bukas na liham ang ipinadala ng Pamahalaang Bayan kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na inilathala sa Philippines Daily Inquirer noonhg ika 9 ng Setyembre 2003. Ang nasabing liham ay nagsasaad ng kanilang pagtutol sa pagpapalipat ng informal settler na aalisin sa Metro Manila papunta sa bayan ng Cabuyao.