October 11, 2019
Makasaysayan ang halalan na naganp noong 2004 sapagkat sa kaunaunahang pagkakataon ay isang babae ang uupo bilang punong bayan ng Cabuyao.Siya ay ang maybahay ni Mayor Etok Aguillo na si Nila G.Aguillo.Pinasikat niya ang mga katagang “From womb to tomb” sapagkat ayon sa kaniya nasa sinapupunan pa lamang daw ang mga sanggol na cabueño ay naghihintay na ang kaniyang bayan sa kaniyang serbisyo.At sa oras na siya ay handa nang masilip ang mundo ay handa na nag dalawang ospital upang siya ay isilang ito ay ang Rural Health units at ang Ospital ng Cabuyao.Ito rin ay may kasamang libreng gamot at bakuna. Kabilang din sa programa ng Pamahalaang bayan ang ipinangakong ipagpapatuloy ni Mayor Nila ang pagbibigay tulong upang makakuha ng magandang trabaho ang mga mamamayang naghahanap nito.Sa pamamagitan ng maayos na pakikipagugnayan sa pagitan ng pamahalaang bayan at ibat-ibang kompanya at pabrika sa loob ng Cabuyao.Ipinagpatuloy rin ang taunang kasalang bayan gayundin ang programang “Sagip kabilang buhay” na naglalayong maghadin ng tulong punerarya sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay.Noong ika 31 namn ng Hulyo ay pinasinayaan ang kaunaunahang proyekto sa pamumuni ni Mayor Nila ang Etok Aguillo Building sa Pamantasan ng Cabuyao.Ito ang pangalawang gusali na Itinayo sa pamantasn ng Cabuyao.Ang gusaling ito ay ang kasalukuyang ginagamit ng College Nursing at ito rin ay nagsisilbing University Libray