Halalan 2007

October 12, 2019

Sa halalan 2007, nanalo ang dating Vice Mayor nina Mayor Etok Aguillo at Nila Aguillo na si Isidro L. Hemedes.Sa panungkulang ito ni Mayor.Pinagtuunan niya ng pansin ang lumalalang sitwasyon ng kakapusan ng silid paaralan sa ibatibang paaralang pang Elementarya at Sekondarya ng Bayan ng Cabuyao.Nagpatayo siya ng tatlong palapag na may siyam na silid aralan sa mga paaralan tulad ng:Banay banay Elementary School,Diezmo Elementary School,Gulod Elementary School,Mamatid Elementary School at marami pang Iba.Samantala apat na palapag at may mahigit na labing anim na silid aralan naman ang naipatayo niya sa Bigaa National Highschool.Sa larangan ng Edukasyon ay ipinagpatuloy pa rin ni Mayor Hemedes ang libreng pagaaral mula kinder hanggang sekondarya sa mga pampublikong paaralan.Sinikap niya ring magkaroon ng ALS ang mga pangunahing mga baranggay sa Cabuyao.Upang mahikayat ang mga Out of School youths upang magpalista at nadagdagan ang kanilang kaalaman.Pinasimulan din ni Mayor Hemedes ang subsidiya ng Pamahalaang bayan sa matrikula ng mga magaaral.Kayat naibaba sa ₱100 ang tuition ng mga nagaaral sa PNC.Kaugany sa pagdiriwang sa ika-437 taon ng Cabuyao ay ginanp ang isang linggong selebrasyon na sinimulan noong 11 ng Enero 2008.Kaugany nito ang pagkilala ng Pamahlaang bayan sa top 30 taxpayer sa isang pormal na hapunan sa Sta Elena Golf and Country Club.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started