Pagsasalungsod sa Cabuyao

October 14, 2019

Pagsasalungsod sa Cabuyao
-Ayon sa katitikan ng panayam sa opisina ng kalihim ng Sanggunian,ang panukalang gawing lungsod ang bayan ng cabuyao ay natalakay sa mga public at committee hearing,at privelege speeches.kasama ang mahabang deliberasyon ng mga miyembro ng sanggunian,kasama ang mahabang deliberasyon sa pamumuno ni konsehal Rommel A. Gecolea.Ang pangunahing katuwiran ng nasabing konsehal ay ang Cabuyao ang nangungunang munisipyo sa buong bansa kung ang pagababsihan ay ang kabuuang kita o total income.Umangat at nanguna namn ang Cabuyao hindi dahil sa maganda ang pagpapatakbo sa bayan kundi dahil naaprubahan na nang pambansang pamahalaan ang conversion ng mga bayan ng Calamba,Biñan at Santa Rosa bilang mga component city ng Laguna.Sa madaling salita ito ay mga hindi kasama sa mga fist class municipalities sa bansa.Binigyang diin din ni Att.Mel na kung tumaas man ang income o local revenue ng ating bayan ito ay dahil sa lokasyon nito.Sa kabutihang palad, ang Cabuyao ay nasa bahagi ng industrial at econic zone ng Region IV-A.Ang mga bagay na nabanggit sa itaas ay ang mga naging sentro ng talakayan na pinangunahan ni Att.Mel hindi lamang sa Sangguniang bayan kundi sa buong Cabuyao.Marahil sa kaniyang Wlaang sawang pagpapaliwanag ay naging dahilan upang mas maunawaan ng mga taga Cabuyao ang kagandahang dulot kung sakaling maging ganap na lungsod ang Cabuyao.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started