September 20, 2019
Nang makarating ang hukbo ng Hapon sa Cabuyao noong unang araw ng Enero taong 1942, dinatnan nilang Mayor ng bayan si Jose L. Acuña. Katulad ng mga mayor sa ibang bayan, sinabihan si Mayor Acuña na kung nais niyang manatili sa pwesto ay sundin na lamang niya ang anumang naisin o iutos ng mga Hapon. Upang maiwasan ang pagdanak ng dugo, nagkunwari si Acuña na kasapi siya ng Hapon. Sa kabila nito, ipinasara pa rin ng Hapones ang munisipyo na bagong kumpuni pa naman. Matatandaang si Acuña ay isang rehistradong inhinyero kaya ang pagsasaayos ng munisipyo
ang unang proyektong kanyang isinagawa. Maging ang simbahang Cabuyao ay ipinasara din ng mga Hapones. Kahit na ang kura paroko noon na si Padre Lucas de Ocampo ay walang nagawa. Si Padre de Ocampo ay “ikinulong” sa kumbento at hindi pinayagang
lumabas o makipag-usap kanino man.Nagtatag din ang mga awtoridad na militar ng Hapones ng isang “Neighborhood Association” na ang pangunahing layunin ay “pangalagaan ang sarili sa pamamagitan ng magkakasamang pananagutan.” Upang maipatupad ito, pinulong ni Mayor Acuña ang mga taga-Cabuyao at nagpaliwanag na batay na rin sa kautusan ng mga Hapones, kailangan sa lima hanggang sampung pamilyang magkakapitbahay. Ang bawat Sona ay pamumunuan ng isang tagapangulo na pipiliin Mayor subalit ito ay daraan pa rin sa pagsang-ayon ng Administrasyong Militar. Nakasaad sa Sona, partikular na ang kalalakihan, ay daraan sa isang pagsasanay sa paggamit ng kawayan bilang sibat at sandata na gagamitin kanilang lugar. Ang kawayang sibat din ay naging sagisag ng nilang bumuo ng isang Sona na magmumula sa kautusang ito na ang lahat ng mga kasapi. Batay sa ipinag-utos ng mga Hapon, sinimulan nang awitin sa bersyong Tagalog ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Magugunitang hanggang sa mga oras na iyon ay Ingles pa rin inaawit ng mga Pilipino anv
kanilang Pambansang Awit na “Land of
Morning.”