Intramurals 2

July 4, 2019

Maraming epic fail na nangyare sa araw na to.

Nagkamit nanaman kame ng unang parangal sa cheerdance competition dahil sa nakasira ng upuan yung grade 12 samin. Sobrang nakakatuwa pati yung nga judges tumawa.

Nakashoot naman yung kaklase ko sa ring ng basketball gamit ang paa sa laro nila sa volleyball. Napakaraming studyante ang namangha.

Intramurals 1

July 3, 2019

Nag kamit ng unang parangal ang aming mga pambago sa pageant para saaming strand. Sobrang nakakatuwa dahil naiuwi namin ang unang parangal.

Naging madugo naman ang laban ng kupunan ng ABM at EIM. Kulang kulang kame kaya hindi namin nakayanan talunin anv EIM dahil anim lang kaming naglaro. Mga hindi pa namamasa ang mga grade 12. Sakanilang tatlo lang umiikot ang bola.

Presentation 2

July 2, 2019

Kinakabahan na ako kase feeling ko talaga matatawag na ako. Pero hindi parin nakaligtas nanaman ako hehe. Wala na kameng ginawa ng kinahapunan gawa ng intramurals na bukas. Nag practice na lang yung mga kaklase ko ng cheerdance. Excited narin ako bukas gawa ng maglalaro ako ng basketball.

Presentation 1

July 1, 2019

Kamusta? Isang mapagpalang araw sainyong lahat.

Pachill chill pa lang ako neto hehe. Medyo malayo pa kase pangalan ko. Pero medyo kinakabahan na ako na baka bigla akong matawag. Pero hindi e natapos na lang yung oras namin sa Etech. Medyo nakakuha naman ako ng impormasyon sa pag rereport.

Vacant

June 28, 2019

Tamang gala gala lang. Boring nung araw na to dahil wala akong magawa. Lowbat din kase cp ko kaya yun. Gumawa din ako ng powerpoint presentation para sa monday pero hindi ko ito natapos. Dahil kulang sa oras. Kakamadali ko naiwan ko yung clear folder ko don sa comlab na dapat ipapasa ko kay Mam Gomez.

Tinolang Manok

June 27, 2019

INGRIDIENTS

  • 1 kilong manok
  • Mantika
  • Bawang
  • Luya balatan at hiwain
  • Sayote balatan, yung loob linisin at hiwain
  • Malunggay leaves
  • 2 cup water
  • 1 chicken cubes
  • Asin at paminta ti taste
  • Patis
  • 1.Kapag translucent na yung sibuyas ilagay yung manok. Isabay ang asin, paminta at chicken cube to taste. Cook for about 15 minutes while stirring occasionally
  • 2.Lagyan ng tubig at patis. bring to a boil, hinaan yung kalaan and simmer for about 15-20 minutes. Pwedeng mong dagdagan ng tubig pag umonti.
  • 3.Ilagay yung sayote and simmer for about 10-15 minutes o di kaya kapag luto na yung sayote.
  • 4.Patayin yung kalan at ilagay ang malungay tapos takpan for about 5 minutes.

Excel

June 26, 2019

Napakahirap gamitin neto. Di ko maintindihan nung una. But nung may turo sakin unti unti ko nang nagegets. Gumawa kame ng graph tas kinompute namin kung ilan yung nakakiha ng sagot na (A, B, C, D) may mga numbers din syempre. Napakahirap nag compute lalo may formula pa para malaman kung ilan yung nakakuha ng sagot.

Survey 2

Hey wazzup guys? Isang maoagpalang araw sainyong lahat.

Iyon na nga nag survey na nga kame sa EIM 12. At first hindi namin alam kung saan eto but nagtanong kame sa kapwa namin kamag aral at ipimuro naman ito saamin. Pinamigay na namin ang mga survey paper at yung iba is hindi sinagutan habang yung iba naman ay sinagutan. Bale 14 lang yung nabigyan namin. Mas maliit sa bilang na inaasahan ko.

Design a site like this with WordPress.com
Get started