Ang Centannail Mayor

October 9, 2019

Sa nalalang noong 1995, muling nabawi ni Etok Aguillio ang pagiging mayor mula kay Jun Alimagno. Dahil dito, si Aguillio ang tinaguriang Centennial Mayor ng bayan ng Cabuyao dahil siya ang nakaupo sa panahong ipinagdiriwang ng buong bansa anf sentenaryong kanilang kalayaan.

Hindi naging madali ang mga naunang buwan ng terminong ito kay Mayor Aguillio sapagkat kapos sa pera ang kaban ng bayan. Marami sana siyang binabalak na proyekto subalit bunga sng kakapusan ng pondo ay nanganib na hindi niya ito maisakatuparan. Ito ang naging dahilan upang gawin niyang pangunahing programa ang pagsasaayos ng koleksyon ng buwis ng bayan.

Isinaayos din ni Mayor Aguillio ang Mutual Aids Program para sa mga nauulilang pamilya sa bawat yumain kasapi ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines Cabuyao. Ang mga naulila ng mga kasaping miyembro ay tatanggap ng hindi baba sa P 25000 para sa miyembrong yumao na naging kasapi lamang sa loob ng isang taon.

Ika 29 naman ng Hulyo 2001 nang sabay nanpasinayaan ang dalawang bagong gusali, ang Philippines National Police Cabuyao Station na pinamumunuan ni PSupt. Eriberto Belen Paglinawan at ang Bureau of Fire Protection na kapwa itinayo sabadang likuran ng bagong gusali ng pamahalaanh bayan.

Araw ng Cabuyao

October 8, 2019

Panahon ng panunungkulan ni Mayor Aguillio nang simulang ipagdiwang ng Araw ng Cabuyao tuwing ikas 16 ng Enero ng bawat taon. Ito ay sa bisa ng Pambayang kasayahan Bilang 137 na ipinanukala nina Konsihal Eddie Alviar at Primo N. Briones. Ang nasabing panukala ay pinagtibay noong ika 19 ng Setyembre 1989. Ang kauna unahang pagdiriwanf nito ay naganap noong 1990

Lokal na Halalan

October 7, 2019

Hiningkayat ni Mayor Aguillio ang mga pabrika na buksan ang kanilang mga pintuan sa mga kababayang naghahanap ng mapagkakalitaan. Kaugnay nito, ipinatayo rin ni Mayor Aguillionang gusali ng Manspower Youth Training Center na pinasinayaan noong ika 20 ng Pebrero 1989. Ang sentro ay itinayo para sa mga out of school youth na nagnanais na madagdagan at malinang ang kanilang kakayahan upang magkaroon ng sariling hanapbuhay. Ipinaayos din ni Mayor Aguillio ang Agricultural Extension Office at ang Social Welfare Office.Subalit marahil ang pinakamagandang naipagawa ni Mayor Aguillio sa panahon ng kanyang kauna
unahang panunungkulan ay ang pagpapatayong muli ng hindi lamang isa kundi dalawang pansekondaryang paaralan sa Cabuyao. Magugunitang ang Cabuyao ay nawala ng mataas na paaralan matapos mapilitang magsara ang Cabuyao Institute noong 1987. Magsimula noon, naging kalbaryo na para sa mg magulang ng kabataang papasok sa highschool ang pagpapaaral sa mga ito. Karamihan sa kanila ay napilitang mangibang bayan upang makapagaral lamang. Dahil dito, ginawang pangunahing proyekto ni Mayor Aguillio ang pagpapatayo ng mataas na paaralan para sa mga taga Cabuyao. Ang unang high school na ipinatayo ni Mayor Aguillio ay ang Gulod National Highschool. Sunod naman ay ang Cabuyao National Highschool sa Poblacion na nagbukas noong Hunyo 1989

Panibagong mga OIC

October 5, 2019

Nagtakda ang mga Kongreso ng petsa para sa pagdaraos ng halalan sa lokal na pamahalaan. Ipinag utos din nila ang lahat ng mga opisyal na nais tumakbo sa nasabing halalan ay kailangan magbitiw mula sa pwesto bago pahintulutang makapaghain ng kanilang kandidatura sa ika 30 ng Nobyembre 1987. Dahil dito, muling naghirang ang DIlG ng mga bagong OIC para s bayan ng Cabuyao. Itinalaga ni Priscilla C. Alimagno bilang OIC Mayor, Atty. Benedicto T. Librojo bilang Vice Mayor ng OIC.

Ang DILG ang OIC

October 4, 2019

Hinirang ni Pangulong Corazon C. Aquino si Aquillino Pimentel bilang bagong Kalihim ng Department of Interior and Local Government. Ito ang sangay ng pamahalaan ma katuwang ng Pangulo sa pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan. Unang naging hakbang ni Kalihim Pimentel ang maghanap ng mga pangulong pwedeng italaga bilang mga pansamantalang OIC o Officer in Charge ng lahat ng mga lokal nanpamahaan. Ito ay sapagkat pinawalang bisa ng Freedom Constitution ang lahat ng mga opisyal na nahalal sa panahon mg dating Saligang Batas. Ika 3 ng Marso 1986 nang alisin sa pwesto si noo’y Cabuyao Mayor Nic Alcasabas at palitan mi Atty. Isidro T. Hildawa bilang OIC Mayor ng bayan. Si Atty. Hildawa ay nanumpa nilang OIC Mayor noong ika 17 ng Marso 1986. Subalit si Atty Hildawa ay hindi nagtagal sa pagkamayor dahil hinirang din sya na maging board member o bokal ng lalawigan ng Laguna kaya noong ika 1 ng Abril 1986 ay nanungkulan si Konsehal Constancio G. Alimagno Jr. bilang bagong OIC Mayor ng bayan ng Cabuyao kapalit ni Atty. Hildawa Ayon kay Devoma, ang kauna unahang problemang kinaharap ni OIC Mayor Jun ay ang pagpaslang sa sikat na Hope na Pulisya ng Cabuyao na si Capt. Emman Henry na nayon ng Pulo. Ayon sa pulisya, ang pagpatayvkay Henrybay ang New Peoples Army na noong mga panahong iyo ay naglungsad ng obserbstiba laban sa mga kilalang opisyal ng kapulisan.

Ang People Power Revolution

October 3, 2019

Mula ika 22 hanggang ika 25 ng Pebrero 1986 ay naganap ang isang mapayapang rebolusyon ng mga Pilipino laban sa rehimong Marcos ay hinangaan sa buong mundo. Nagsimula ang pagkilos sa Camp Aguinaldo sa EDSA noong Sabado, ika 22 ng Pebrero 1986. Tumiwalag sa pamahalaang Marcos ang kanyang Ministro na si Juan Ponce Enrile at ang Deputy of Staff na si Heneral Fidel V. Ramos. Inamin nila na sa kakatapos pa lamang na halalan, ang tunay na nanalo ay si Gng. Aquino. Pinakiusapan pa nila si Pangulong Marcos na magbitaw na lamang ito sa pwesto at ibigay na kay Gng. Aquino ang pagka Pangulo. Nanawagan sila ng tulong kay Jaime Cardinal Sin sapagkat sila, ayon sa kanilang mga importante, ay nakatakda nang arestuhin ng mga pwersa ng militar na tapat pa rin kay Pangulong Marcos. Nagtalaga sya ng kanyang mga bagong gabinete, pinalaya ang lahat ng mga nakabilanggo sa salang pulitika, at noong ikaw 25 ng Marso 1986 ay nagpahayag siya ng isang pansamantalang Saligang Batas na magbabalik ng demokrasya sa ating bansa. Bunsod nito, ang lahat ng mga opisyal na nahalal sa ilalim ng pamamahala ni Marcos ay nabuwag.

Ang Snap Presidential Election

October 2, 2019

Nang hindibna mapigilan ang galit ng mga tao, napilitan si Pangulong Marcos ma magdaos ng isang snap election. Itinakda ang halalan noong ika 7 ng Pebrero 1986. Ang partidong Kilusang Bagong Lipunan ay inilaban muli si Pangulong Marcos sa pagka Presidente samantalang si Assembly Arturo Tolentino naman ang kanyang ginawang Bise Presidente. Napilitan ang mga tagaoposisyon na magkaisa upang malabanan nila ang pwersa nina Marcos. Napagpasyahan na ang balo ni Senador Aquino na si Corazon C Aquino ang ilaban kay Marcos at ang dati ring Assemblyman na si Salvador Laurel ang ilaban sa pagka Bise Presidente. Dagdag pa rito, ito ang halalang mahirap talagang alamin kung sino ang nanalo sapagkat ang dalawang kampo ay kapwa naniniwala na sila ang nanalo. Gayon pa man, ang opisyal na bilang sa Batasang Pambansa ay nagpapahayag na si Marcos at Tolentino ang mga nanalo sa kakatapos pa lamang na halalan. Subalit ito ay hindi tinanggap ng sambayanan

Ang Pagpaslang kay Ninoy Aquino

October 1, 2019

Ika 21 ng Agosto 1983 nang gulantanginbang buong mundo ng balitang ang dating Senador Ninoy S Aquino Jr, ay napaslang ng isa umanong gunman na nagngangalang Rolando Galman sa Manila International Airport. Ang senador ay nagpasyang bumalik ng Pilipinas pagkaraang manirahan ng tatlong taon sa Amerika matapos itong sumailalim sa operasyon sa puso. Bumalik ang sunador upang harapin muli si Pangulong Marcos. Magugunitang si Senador Aquino ang pangunahing kalaban at bukod tanging kasapi ng oposisyong di umano’y may kakayahang labanan at talunin si Pangulong Marcos

Ang Pagtatatag ng Ikaapat na Republika.

September 30, 2019

Ika 17 ng Enero 1981 nang opisyal na nawakasan ni Pangulong Marcos ang Batas Militar sa ating bansa. Subalit ayon sa mga kalaban ni Marcos, ito ay nawalang katotohanan sapagkat nanatili pa rin kay Marcos ang lahat ng kapangyarihang ibinigay sa kanya ng Saligang Batas ng 1973. Sinasabing ang tunay na dahilan sa pagalis ni Marcos ng Batas Militar ay ang bungsod nag napipintong pagdalaw ng Santo Papa Juan Paolo II ng Pebrero ng parehong taon. Sunod ma ipinahayag ni Marcos na sa darating na ika 16 ng Hunyo 1981 ay magkakaroon ng pambansang halalan, ang kauna unahanh halalan matapos ideklara ang Batas Militar sa buong Bansa

Sa Likod ng batas Militar

September 29, 2019

Labing apat na tao nanungkulan bilang diktador ng bansa ang dating Pangulong Ferdinand E Marcos mula sa ika 21 ng Setyembre 1972 hanggang siya ay mapatalsik ng People Power Revolution noong 1986.Bagamat opisyal na nagwakas ang batas militar sa ating bansa noong ika 17 ng Enero, napanatili parin kay Marcos ang lahat ng kapangyarihan ng isang diktador. Sa ilalim ng batas militar, napilitan ang Saligang Batas ng 1935 ng Saligang Batas ng 1973. Napalitan ang sistema ng pamahalaan mula sa sistemang Pangulo o Presdential Form of Government. Ito ay maging sistemang Parliamentaryo.

Design a site like this with WordPress.com
Get started