Ang Sumpa

September 9, 2019

Ang Sumpa
Ang mga taga-Cabuyao ay mahilig sa alamat at kwentong bayan. Ang nayon ng Marinig ang unang naging sentro ng Cabuyao dahil ito ang pinaka malapit sa lawa ng Laguna. Lahat ng sinaunang bayan ay umusbong malapit sa katubigan at ang buhay ng mga sinaung Pilipino ay nakatuon sa ilog at dagat dahil ito ang “nagsisilbing tagapag-ugnay.” Para sa pasasalamat sa pagdalaw ng Nuncio nilatagan ng mga tao ng palay at bigas ang lupang daraanan ng Nuncio hanggang sa pintuan ng simbahan. Hindi natuwa ang Nuncio at nakapagbitaw ng isang malagim na sumpa. “Dahil sa kalapastanganang ito, isinusumpa ko na kayong mga indiyo ay makararanas ng ibayong hirap at pasakit.” Ilang araw pagkaalis ng Nuncio nagkaroon ng lindol at naghiwalay ang lupa. Sabi ng matatanda, ang ilog na naghihiwalay sa Cabuayo at Sta. Rosa, at ang ilog na naghihiwalay sa Cabuyao at Calamba ay maaaring pagdikitin ng lapat.

Ang Daan Tungo sa Pagkamartir

September 8, 2019

Nang bumalik si polycarpo sa Smyrna ay may isang kabataan na nagngangalang germanicus na di umano ‘y napatay bunga ng pagdirawang ng mga kristiyano na kanila ring tinatawag na pagano Bunga nito, kanilang ninais na palayasin ang mga ito mula sa kanilang lugar. Subalit sa kabila ng edad na 86 na taon, ipinalamas ni polycarpo ang kanyang taos pusong pagtitiwala sa kanyang panginoon. Tumanggi siyang magsakripisyo sa mga diyos- diyosan at kumilala sa emperador bilang diyos.

Ang Talambuhay ni San Polycarpio

September 7, 2019

Si san polycarpo, patron ng bayan ng cabuyao, ay isinilang at nabuhay noong ikalawang siglo. Pinalad siyang makilala at makasalamuha ang mga taong naging malapit kay hesus. Noong si florinus, isa pa rin sa mga nagging masugid na tagasunod ni polycarpo, ay nangaral laban sa erehiya o maling pananampalataya, ang mga bagay na iyong binanggit ay hindi itinuro ng mga Obispo na nauna sa atin. Matutukoy ko sa inyo ang lugar na kung saan ang banal na si polycarpo ay nangaral ng salita ng diyos. Ang kanyang mga isinulat, sapagkat ang mga ito ay mula mismo sa bibig ng mga nagging disipulo ni kristo ay nagsilbing mahalagang tulay na naguugnay sa tradisyonal na doktorina ng mga apostales.

Padre Blas De Sta. Rosa

September 6, 2019

Sila ay sina Francisco baluyot ng guaga, Pampanga na sinasabing kaunaunahang indyong naging pari, si joseph de ocampo ng binondo sa maynila na isang mestizong tsino, at si gregorio Ignacio manesay ng san roque sa cavite. Kaunti lamang ng tala tungkol sa buhay ni sta.rosa. subalit dahil sa alam natin ang kaugaliang umiiral noong mga panahong iyon,batay rito, sapagkat blas ang ibinigay na pangalan, samakatuwid, ang petsa ng kapanganakan nito marahil ay ikatlo ng pebrero dahil ito ang kapistahan ni san blas.

Ang Pagsakop sa Tabako

September 5, 2019

Inutusan nito ang kanyang apong si juan de Salcedo na simulant na ang pagsakop sa mga karatig na lugar ng maynila. Ika- 15 ng Agosto 1571 nang simulang baybayin ni Salcedo ang ilog pasig hanggang sa marating nila ang cainta kung saan naganap ang isang madugong labanan na ikinatalo ng mga katutubo. Ang pamayanang ito ay tinatawag ng mga naninirahan ditto ma bae o bai. Ang salitang bae o bai ayon sa aklat ni padre chirino ay salitang malay na ang ibig sabihin ay respeto o paggalang.

Puno ng Kabuyaw

September 4, 2019

Ang puno na Kabuyaw ay pinaniniwalaan na pinag mulan pangalang ng bayan ng CABUYAO na isangt uri ng citrus na ang bunga nito ay ginagamit sa paglalaba ng mga sinaunang Pilipino. Ang puno ring ito ay sagana sa pamumunga noong unang panahon at ang dahon naman nito ay ginagamit ng mga kababaihan bilang gugo para swa kanilang mga buhok kaya napakalaking tulong talaga ng puno ng kabuyaw para sa mga mamamayan ng Cabuyao.

Doon po Sa Amin:Kasaysayan ng Bayan

September 3, 2019

Paano nga ba ang pinagmulan ng Cabuyao? Dahil sa kakulangan ng pag-aaral hindi natin masasabi basta basta kung saan nga ba nagmula ang Cabuyao ngunit mayroon silang pinaniniwalaan kung saan nag mula ang Cabuyao iyon ay dahil sa “kwentong bayan”. Kwentong bayan na walang patotoo ngunit marami ang naniniwala . Ayon sa kanila na ang pangalang Cabuyao ay nag mula sa halamang kabuyaw na isang uri ng punong halamang citrus na ayon sa matatanda ay sagana noongaraw. Ang dahon nito ay ginagamit ng mga kababaihan bilang gugo para sa kanilang buhok at bunga ay ginagamit nila sa paglalaba. Habang nag lalaba ang mga kababaihan ay may lumapit sa kanilang mga dayuhan at itananong kung anong pangalan ng pueblong ito o bayan kung sa atin na akala nila ay kung anong tawag sa halamang ginagamit nilang panlaba sumagot sila ng “kabuyaw po” kaya simula noon ang bayan na ito ay tinawag ng Cabuyao dahil; lang sa hindi pagkakaintindihan.

Pagkain

September 2, 2019

Sinasabing na ang sinaunang na pagkain ay nakabatay lamang kung anung meron kung ano meron sa kanilang paligid. Ang halimbawa ng sinaunang pagkain ay ang sariwa (kinilaw),pinasingawan, o kaya naman ay inihaw. Ang pagkain naman sa tuwing tagulan ay ang pagpapaksiw , pagdadaing, pagbuburo.

Sistema ng Pagsulat

September 1, 2019

Ang ng pagsulat ay nakatulong sa kanilang pagpapaunlad ng kanilang kalinangan. Ang archipelago ay may nakuhukay at sinasabi na ang kanilang nahukay ay isang Sistema ng pagsulat ng sinaunang Pilipino na maaring patunay na sila ay may sibilisasyon. Baybayin ang tawag sa Sistema ng kanilang pagsulat at binubuo ito ng 14 na katinig at 3 patinig at may pangkalahatang panuto ng “kung ano ang pagbigkas ganun din ang pagsulat” ang laguna ay isa sa nakatuklas ng isang baybayin na nakasulat sa tanso at ito’y ay kinalalang “laguna copper plate inscription” na iniingatan ng mga taga national museum.

Design a site like this with WordPress.com
Get started