Bago ang Tatlong Taong Walang Diyos

September 19, 2019

nanungkulang presidente ng bayan si Nicolas
Limcaoco mula 1937 hanggang 1940. Maraming pagbabago ang naganap sa panahon ng panunungkulan ni Limcaoco bunga ng pagkakaroon ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas. Sa panahon ni Limcaoco, pinalitan na ang katawagang presidente ng munisipyo
itong alcalde ng bayan. Maging ang termino ng
panunungkulan sa lokal na pamahalaan ay dinagdagan ng isa pang taon. Si Alcalde Limcaoco ang nagpagawa ng bagong kalsada mula poblacion patungong nayon ng Marinig. Ang bagong daan na ito ay kanyang ipinagawa sa gitna ng mga palayan. Batay sa makapagpapabilis ng paglalakbay ng mga taga-Marinig at iba pang karatig sa kanilang isinagawang pag-aaral, ang pagtatayo ng bagong kalsadang ito. Siya rin ang nagpatayo ng ikatlong gusali ng pamahalaang bayan sa harap pa rin ng Simbahan. Ang gusaling ito ang nagsilbing munisipyo ng bayan hanggang masunog ito noong ika-2 ng Mayo 1962. Si Alcalde Limcaoco rin ang nakiusap sa mga kasapi ng Sakdal na huwag na lamang
nilang ituloy ang kanilang binabalak na pag-aaklas. Subalit gaya ng naisaad na, ang kanyang
pakiusap ay hindi pinakinggan ng mga Sakdalista. Bagama’t hindi na siya alcalde, si Limcaoco ay isa sa mga masugid na lumakad upang mapalaya ang mga kababayang Sakdalistang nakakuling sa Bilibid.

Kasaysayang May Kinikilingan

September 18, 2019

Nakakalungkot isipin na ang madugong tagpong ito sa kasaysayan ng ating bayan ay hindi gaanong pinahalagahan ng mga naunang sumulat ng ating kasaysayan. Mabibilang lamang ang mga aklat na tumalakay pag-aalsa ay tinawag nilang rebelyon. Ito ay hindi nakakagulat sapagkat ang mga naunang
historyador ng ating bansa ay mga Amerikano o kaya naman ay mga Pilipinong nag-aral sa Amerika. Dahil dito, ang kanilang pananaw na pananaw ng mga Amerikano. Kung kaya ang sinumang tumutol sa mga Amerikano ay tinaguriang mga rebelde. Noong ipagdiwang ang sentenaryo ng ating kalayaan, sinikap ng mga kabataang nagsusulat ng kasaysayan na tingnan ang kasaysayan natin sa punto ng pananaw ng mga Pilipino. Sapagkat ang ipinaglaban ng mga Sakdalista ay karapatan ng mga Pilipino, na ituring silang mga makabayan at tunay na marapat lamang. Isa pa rin marahil sa dahilan kung bakit mababa ang tingin sa mga Sakdalista sapagkat ang taong nagtatag nito, si Benigno Ramos, ang siya ring nagtatag ng Makapilia. Matapos na hindi magtagumpay ang rebelyon ng 1935, ilang aklat din ang nagsabing habane nagaganap ang pag-aalsa ng Sakdalista, si Ramos ay nasa bansang Hapon na. Ang Makanik ay isang samahan ng mga Pilipinong “collaborator” na nagturo ng mga kababayang kasapi na lumalaban sa pwersa ng Hapones.

Ang “Sedition Law” na nagbabawal

September 17, 2019

Noong ika-4 ng Nobyembre 1901 ay pinagtibay
sa mga Pilipinong magsalita o sumulat ng anumang laban sa mga Amerikano. Maging
ang pagkupkop o pagtulong sa mga rebelde o ang mga taong lumalaban sa Amerika. Ayon sa batas na ito, ang sinumang Pilipinong mapapatunayang lumabag sa “Sedition Law” ay makukulong at maaaring mahatulan ng kamatayan. Dagdag na ipinagbawal pa rito, noong ika-12 ng Nobyembre 1902 ay pinagtibay naman ang “Brigandage Act”nagbawal sa pakikilahok at pagsali sa mga kilusan ng tulisan.46 Dahil sa mga batas na ito, unti-unting nagwakas ang mga kilusang makabayan sa ating bansa.Subalit sa kabila ng pag-iral ng mga batas na 1904 ay bigla na lamang kumalat ang balita na si dating Alcalde Dominador Delfino, kasama
ang kaibigan nitong si Jose Hemedes, ay dinukot di-umano ng pangkat ng bandidong si
Oruga. Magugunitang si Delfino ay kalaban ni Batallones saay dating nakasama ni Batallones nang ang huli ay magtago sa Casile, inakala ng marami na may kinalaman ang pulitika sa pagdukot na ito. Nakaabot ang sapantahang ito sa mga kano kaya pansamantalang tinanggal sa pwesto si Batallones habang isinasagawa ang pagsisiyasat. Pansamantalang pinaupo bilang alcalde ang dating bise-alcalde na si Luis Bella
Ika-29 ng Agosto ng parehong taon nang palayain ang dalawang bihag ng grupo ni Oruga.
Matapos siyasatin ng mga Amerikano, napag-alaman ng mga ito na walang kinalaman
si Batallones sa pagkakadukot
nabanggit, noong ika-7 ng Nobyembre
pulitika, at sapagkat si Oruga
sa dalawa kaya noong ika-7 ng Setyembre ay pinabalik sa kanyang pwesto si Batallones. Sa panahon din ng mga Amerikano, nabili ng pamahalaan mula sa British Company ang dating
Manila-Dagupan Railway Company at naging Manila Railroad Company. Dahil ang pamahalaan
na ang nagpapatakbo ng mga daang riles, mas humaba na ang nasasakupan nito. Dinugtungan
nila ang daang bakal o riles sa hilaga hanggang La Union at sa timog na bahagi naman hanggang
sa Albay. Ika-7 ng Nobyembre 1908 nang unang dumating at humimpil ang bagong istasyon ng
Cabuyao ang tren mula Maynila patungong San Pablo. Ang makasaysayang araw na ito ay
inabangan at sinaksihan ng mga taga-Cabuyao. Ayon sa mga mamamayang nag-aaral sa
nasasakop pa tayo ng mga Amerikano, tuwing Lunes ay mas maaga silang pumapasok sa
paaralan sapagkat nagdaraos ang paaralan ng tinatawag na Flag Ceremony. Una munang
aawitin ang Star Spangled Banner habang itinataas ang watawat ng bansang Amerika sa
Cabuyao Central School. Agad namang isusunod ang Land of the Morning para sa pagtataas naman ng watawat ng Pilipinas sa katapat na
dalawang pambansang awit ay bibigkasin naman nila ang Pledge of Loyalty na gaya ng ating
pambansang awit ay nakasulat din sa wikang Ingles;
“I love the Philippines, it’s the land of our birth. It’s the home of our people. It protects
me and helps me to be strong, happy, and useful. In return, I will heed the counsel of my
parents; I will obey the rules of my school; I will perform the duties of a patriotic, law-
abiding citizen; I will serve my country unselfishly and faithfully I will be a true Filipino
in thought, in word, and in deed.

Pamumuno at Kapangyarihan

September 16, 2019

1896 nang makarating sa Cabuyao ang balitang naghihimagsik na laban sa mga Kastila ang karatig lalawigan nitong Cavite. Pinamunuan ito ni heneral Emilio Aguinaldo at Mariano Trias. Inatasan ng alcalde noon na si Ricardo delos Trinos si Tenyente Isabelo Virtucio na bumuo ng isang pangkat ng kalalakihang magtatanggol sa bayan sakaling makarating dito ang himagsikan. Ipinag-utos niyang makipag-ugnayan ito kay Heneral Paciano Rizal na pinuno ng hukbong rebolusyonaryo sa may parteng hilaga ng Laguna na nakasasakop sa Cabuyao. Karamihan sa kalalakihang tumugon sa panwagan ni Alcalde delos Trinos at Tinyente Virtucio ay ang mga magsasakang walang kasanayan sa paghawak ng mga armas. Sanay ang mga ito na magbungkal ng lupa, sila ang naatasang maglagay ng patibong na pasabog sa mga kalsada na posibleng daanan ng mga sundaling Kastila. Agosto 30, 1896 ng ideklara ni Gobernador-Heneral Ramon Blanco na may digmaan na sa mga lalawigan ng Manila, Laguna, Cavite, Batangas, Pampanga, Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija. Ang walong lalawigan na nabanggit ang walog sinag na makikita sa watawat ng Pilipinas. 1898 nang magwakas ang paghahari ng mga Kastila. Si Padre Manuel Pastor ay palihim na itinakas ng mga parokyano upang makaiwas sa galit ng mga Katipunero. Siya ay pansamantalang pinalitan ni Padre Galo Minguez, subalit pinaalis din sila ng mga Katipunero. Taong 1899 ay isang makasaysayan sa Cabuyao sapagkat sa ikalawang pagkakataon nagkaroon ng Pilipinong pari ang simbahan na si Padre Eulalio Mea. Siya ay naglingkod bilang kura paroko hanggang 1903. Si Padre Mea ay napamahal na sa Cabuyao. Panahon ng Amerikano na sa tuwing naglilibot ang mga sundalo ay itinatago ni Padre Mea ang mga ito sa kaniyang kumbento. Humantong pa ang pagtulong na ito sa pagkakabilanggo niya noong 1901 sa paratang na “pagtulong sa mga bandidong Pilipino.” Nanungkulan si Padre Ladislao Santos bilang pansamantalang kura paroko. Mula 1897 hanggang 1898 nang manungkulan bilang Presidente Municipal si Dominador Delfino. Ang kaniyang pamahalaan ay tinawag na Pamahalaang Tagalog, isang terminong nagpapakita sana ng ganap na kasarinlan ng ating bayan. Subalit ito pala ay hindi tunay. Dahil sa pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899, nagkaroon ng dahilan upang sang-ayunan ng mga mambabatas ng Amerika ang mga nilalaman ng “Kasunduan sa Paris.” Walang nagawa ang mga Pilipino kundi tanggapin na naman ang soberanya ng nga Amerikano sa kanilang lupain. Ang pangkat ni Aguinaldo ay nagpalabas ng babala na binantaan nila ang sinumang Pilipinong mapapatunayan na makikipagtulungan sa mga Amerikano. Nakarating ang pwersa ng mga Amerikano sa Cabuyao at itinalaga nila si Jose Manacsa Bella Sr. bilang Presidente ng Municipal kapalit ni Delfino. Para masugpo ang pagkalat ng mga epidemya, noong 1901 ay itinatag ng pamahalaan ng Amerika sa ating bansa ang Bureau of Health. Napakabuti sa pagsugpo ng kolera ang panukalang ipinatupad noon na pagbubukod o “quarantine” ng mga may sakit at ang agarang pagsunog sa bangkay ng mga namatay sanhi ng kolera. Pinasunog ang mga bangkay at tinuro ng mga Amerikano ang pagtuturo sa kahalagahan ng kalinisan sa mga mamamayan. Sila ay nagtayo ng nga poso artesiano. Nagtayo rin ang mga Amerikano ng mga kasilyas na may inidoro na nabubuhusan ng tubig. Ilang taon bago nasugpo ang kolera sa ating bayan. Inabutan ang problemang ito ng sumunod na Presidente na si Sotero Batallones. Hindi dapat si Batallones ang kasunod ni Delfino sapagkat noong 1901, isang nagngangalang Andoy Manipolo ang nahalal bilang presidente ng bayan. Subalit dahil hindi marunong si Manipolo na magbasa at magsulat sa wikang Ingles kaya hindi nila kinilala ang resulta ng halalan. 1904 nang makarating sa atin ang gamot na laban sa kolera. Sa bagong paraan ng paggamot ng mga Amerikano tuluyan nang nakontrol ang pagkalat ng epidemyang ito. Hindi naging maganda ang unang impresyon ng mga mga Amerikano kay Batallones pero binigyan pa rin siya ng pangalawang pagkakataon. Si Batallones ay naging alkalde ng bayan noong 1887 hanggang 1888 ay isa sa mga tumugon sa panwagan ng pangkat ni Aguinaldo na labanan ang pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa.

Ang Alamat ng Kampanang Ginto

September 15, 2019

Sinasabi na ang Cabuyao noon ay may pag-aari na Kampana na ginto. Ang kampana na ito ay dinala ng mga prayleng Pransiskano mula sa bansang Mexico upang mang-akit ng mga katutubong sumampalatayang Kristyanismo at talikuran na ang kanilang lumang pananamplataya. Dahil sa lakas ng tunog ng kampanag ito hindi nahalina ang mga tao subalit ito pa ay naging sagisag ng pagtutol ng nga tao sa paghahari ng mga Kastila. May mga babaeng buntis ay naagasan at ang mga taong malapit sa simbahan ay nabingi. Dahil dito tanging mga piling okasyon na lamang ang pinaggagamitan ng kampana. Dahil sa hindi na mabilang na insidente, napasya ang kalalakihang kumilos upang wakasan na ang mga pinsalang dulot nito. Sinasabi na ninakaw ito ng mga tulisan pero dahil ito ay sobrang bigat nagpasya na lamang ang kalalakihan na ihagis na lamang sa ilog ng Kamyas. Ayon sa kwento, naaaninag pa ang kampana mula sa kinalalagyan nito lalo na ang panahon ng tag-init o kaya naman ay kabilugan ng buwan. Sinabi na ang kampana ay inangkin na ng engkantada kaya ang sinuman ang magtangkang kunin ay mamamatay. Taong 1884 ng ibaba ng gobernador-heneral ang bilang ng sapilitang nagtatrabaho ng mga mamamayan mula sa 40 na araw sa 15 na araw na lamang bawat taon. Ang balitang ito ay malugod na tinanggap ng buong bansa.

Ang Suliranin sa Kapayapaan

September 14, 2019

Sa kabila nga pagkakaroon ng mga guardia sibil at manaka-nakang pagdalaw ng mga sundalong Kastila, maraming tala ang nagsasaad na ang Cabuyao ay nakaranas din ng kaguluhan. Naganap ito sa panunungkulan ni Kapitan Manuel Gatdula. Madaling araw ng Disyembre 17,1812 nang pasukin at pagnakawan ng mga “tulisan” ang simbahan ng cabuyao. Dahil sa mabuting pakikisama ng kura paroko na si Fray Pablo de Lara, naging madali ang paglikom niya ng salapi sa mga parokyano upang mapalitan ang mga gamit na nawala sa simbahan.Ang pinakamadugong pangyayari sa kasaysayan ng bayan at naganap noong 1858 nang pasukin ang loob ng tribunal ng nga tulisan at paslangin ang Alcalde na si Jose Diasanta. Ang humaliling alcalde na si Octavio Alcasabas ay nagtayo ng mga himpilan sa lahat ng maaaring daanan ng mga tulisan. Hunyo 3,1863 nang yanugin ang Luzon ng isang napakalakas na lindol na gumuho halos lahat ng gusali sa Maynila at naramdaman din ang lindol sa Cabuyao. 1866 nang sumalakay ang pangkat ni Agucil Sebio at pagnakawan ang mga tauhan ng mga principalia. Maging ang alcalde na si Eugenio Vega ay nabaril rin. Sa galit ng mga taong-bayan, lumaban ang nga ito at tagumpay nilang napatay ang pinuno ng mga tulisan. Noong 1885, ginambala na naman ang mga taga-Cabuyao ng balitang ginilitan ng leeg ang kanilang alcalde noon na si Agustin Algabre na nakaaway nitong si Martin Almonte. Hindi nagtagal nahuli rin si Almonte at himala na buhay pa rin si Algabre. Noong sumunod na taon nabigyan muli ng pagkakataon si Algabre na mamuno bilang alcalde.

Sa Ilalim ng Kampana

September 13, 2019

Ang bagong Poblacion ng Cabuyao ay iniakma ng mga Kastila sa kaayusang kolonyal ng kanilang bansa na tinawag na “plaza complex” ang centro ay ang plaza—isang bukas na lugar. Nakapaligid sa plaza ang simbahan ng Cabuyao. Katabi nito ang kumbento ng pari at ang pamilihang bayan. Sa panunungkulan ni Alcalde Agustin Algabre noong 1885 nang itayo ang “Tribunal del Pueblo de Cabuyao.” Ang lapit o layo ng isang bahay mula sa simbahan ang magpapahiwatig ng katayuan ng pamilya. Mas malapit sa simbahan ang mga may bahay na bato ng mayayaman. Mga pagbabagong naganap sa Cabuyao. Una na rito ang pagtawag na baryo imbes na barangay. Ang pinuno sinimulan na ring tawaging cabeza. Ang kabesa ang nangongolekta ng buwis. Ipinakilala rin ng mga Kastila ang mga bagong halaman na galing pa sa Mexico na malugod na tinanggap ng mga taga-Cabuyao. May mga bagong uri rin ng mga kabayo, baka, bibe at mga kalapati ang dinala sa bayan ng Cabuyao. Ipinatupad din sa Cabuyao ang sistema ng “polo y servicio” o sapilitang paggawa. Sa pamamagitan nito ay napatayo ang simbahan at kumbento ng Cabuyao. Samantala, ayin din kay Devoma, ginamit ding manggagawa ang mga “napaparusahang mamamayan.” Ito ang mga lumalabag sa mga batas ng bayan. Sila ang nagpatag at gumawa ng mga kalye sa loob ng bayan.

Ang Pagbabagong Bihis ng Cabuyao

September 12, 2019

Dahil sa pagkabutas ng pulo ng Talim ay madalas na ang pagbaha sa Marinig na unang pamayanan na itinayo ng mga Kastila. Nagpasya silang lisanin ito at magtayo ng bagong kabisera sa Cabuyao. Sapilitan ang ginawang pagpapalipat sa mga taga-Cabuyao. Ito ay mula sa baybaying lawa ng Laguna at looban tungo sa isang sentro. Ang mga taga-Cabuyao ay tinuruan ng Kristiyanismo, tamang paraan ng pananamit, at tamang pamahalaan. Ang ninais gawin ng mga Kastila ay gawing Kastila rin ang mga katutubo sa isipan, paniniwala, at kalooban.

Ang Epekto ng Pagkaalis ng mga Nayon

September 11, 2019

Dahil nawala ang tatlong nayon sa Cabuyao, unti-unti ring nawala ang sigla nito. Natigil na ang pagdaong ng mga bangka na may dalang kalakal at produkto mula sa Maynila. Natigil na rin ang pagdala ng mga produkto ng Cabuyao tulad ng bigas at mga gulay sa ibang bayan. Napag-iwanan ang Cabuyao ng Biñan at Calamba noong mga panahong iyon sapagkat nanatili itong encomendia at hindi naging hacienda. Ayon sa kasaysayn, ang mga lugar na naging hacienda ng mga prayle, karaniwang ito ay nalinlang nang husto. Ang mga bayang ito ay may maayos na kalsada at tulay, iba’t ibang pasilidad at istitusyon. Higit sa lahat, ang mga ito ay may maayos na sistema ng patubig at irigasyon. Ang mga pagbabagong ito ay hindi naganao sa Cabuayo. Dahil hindi na gaanong ginagamit ng mga taga-Cabuyao ang kawa ng Laguna, naging mahalaga para sa mga mamamayan na ayusin ang mga maaaring daraanan patungo at palabas sa bayang ito. Dagdag pa rito, ang mga pangunahing pangangailangan ng mga taga-Cabuyao ay kinuha nila sa Calamba at Biñan, subalit sa panahong iyon ay hindi pa maayos ang kalsada at maraming mga nagnanakaw sa mga naglalakbay. Ito ang problemang tinugunan ni Kapitan Gavino Añonuevo. Pinalinis at pinapatag ang mga lupang daraanan upang gawing kalsada patungong Calamba. Binuksan ito noong 1806. 1853 naman nang matapos gawin ang tulay ng Pasong Bayan na nag-ugnay naman sa Sta. Rosa at Biñan. Isa sa mga mapalad na nakapaglingkod bilang pinuno ng bayan noong panahon ng Kastila ay si Alcalde Jose Deasanta Rivera noong 1852. Siya ang nagpatayo ng ikalawang sementeryo ng ating bayan. Sa tulong ng cura parocco noon na si Reb. Padre Mariano Gomes, ang libingang kanyang itinayo ang kasalukuyang ginagamit ng mga Poor Clare Sisters bilang kanilang monasteryo.
Ayon sa tala nakiusap ang mga mamamayan na magkaroon ng campo santo na malapit sa simbahan. Ang unang campo santo ay utunato sa daking kanluran ng nayon ng Sala. Ito ay bahagi na ng kasalukuyang kinatatayuan ng Asia Brewery.

Anong Nasabi ng Kasaysayan

September 10, 2019

Ayon sa batas na umiiral sa Kolonya ng España, ang Recopilacion de leyes de las Indias, na ang lahat ng lupain sa bansang Kolonya ay pag-aari ng hari ng España. Dahil dito nawalan ng karapatan ang mga Pilipino na mag-ari ng lupang kanilang tinitirhan o sinasaka. Ang karapatang gamitin ang mga lupang nasa kanilang “pangangalaga” ang maaaring ibigay sa kanilang batas subalit kailangang magbayad ng buwis. Ang hari ang nagmamay-ari ng lahat ng lupa, siya lamang ang may kapangyarihang (1) bumuo ng nga bayan, (2) magtakda kung alin dito ang gagamitin bilang tirahan, taniman, sakahan o pastulan ng mga hayop, (3)mamigay ng mga lupain sa sinumang nais pagkalooban nito, at (4) bawiin ang mga ito. Sa Pilipinas, mga misyonaryong prayle ang madalas na nakakatanggap ng lupa bilang gantimpala sa kanilang papel sa pananakop at tinwag itong hacienda.Kadalasan, ang mga hacienda ay pinapagawa ng nga prayle sa mga Pilipino sa nga mamamayang nakatira rito. Subakit kailangang nagbayad ng buwis sa nga prayle. Hindi nagtagal napansin ng mga katutubo na ang mga lupaing kanilang tinitirhan o sinasaka ay bigla na lamang aangkinin ng mga prayle. Madalas mangyari ang biglang pagpapasara ng mga prayle sa Mga lupain at tanimang kinatatayuan ng nga katutubo. Dahil dito hindi na makakagamit o makakatira ang mga katutubo sa mga lupaing ito kung hindi sila magbabayad ng buwis. Ito ay taliwas sa kanilang nakagisnang karapatan bilang mga “Pilipino sa luoang kanilang sinilangan.” May bahagi sa kasaysayan ng ating bansa na “Kilusang Agraryo ng 1745.” Ang kilusang ito ay ang “kauna-unahang organisadong pagkilos at pagpapakita ng galit ng mga katutubo laban sa pangangamkam ng mga prayle ng mga lupaing malapit sa kanilang mga hacienda.” Pag-aalsa na naganap sa Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal ay nagbigay ng takot sa mga prayle. Ayon sa tala ng Simbahang Katolika, ang pook ng Biñan ay naging hacienda ng orden ng Dominikano noong 1689. Maging ang lupain ng Calamba ay naging hacienda rin at tinawag nilang Hacienda de San Juan de Bautista. Samantala ang bayan ng Sta. Rosa ay naging parokya naman ng Sta. Rosa de Lima. Lumiit ang teritoryong nasasakupan ng Cabuyao sapagkat ang malalaking nayon ay ginawang hacienda ng mga prayle.

Design a site like this with WordPress.com
Get started